Diskriminasyon (Tula)
"Diskriminasyon" Isinulat ni: Keana Mae Pardo Grade10- Chrysoberyl Diskriminasyon, ito'y isang salitang tawag sa na iiba. Sa bawat nasyon at bansa ito'y ginagawa, Dahilan ng pagbubuklod ng bawat isa, Dahil sa kulay ng balat, lahi at antas ng tao sa lipunan. Kung ikaw ay kayumanggi , puti o itim ang balat, Aprikano, Intsik at marami pang iba, Hindi nakapagtapos ng pag-aaral, may kapansanan o mababa ang trabaho, Kahit ano o sino ka pa, ikaw pa din ay tao. Aking mungkahi sa lahat, diskriminasyo'y bitawan. Mga natatanging tao ay hindi nararapat na sumbatan ng diskriminasyon. Hindi ba dapat tayo'y humahanga sa kanilang kalakasan ng loob? Sapagkat hindi sila tumitigil dahil lang sa sinasabi ng ibang may kamalian sa kanila. Lahat tayo ay bayani ng ating kahapon at ito'y dahilan, Kung bakit tayo sugatan, mahina at gustong sumuko, Ngunit, hindi nila hinahayaan ang mga maling sinasabi ng iba. Ang magiging dahilan ng kanilang pag-suko sa pagkamit ng mithiin. Pagi...